Pumunta sa nilalaman

Aineias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 19:23, 17 Oktubre 2008 ni AnakngAraw (usapan | ambag)
Aineias Lumilikas mula sa Nasusunog na Troia, Federico Barocci, 1598, Galleria Borghese, Roma

Si Aineias (Griyego: Αινείας, bigkas /e·ní·yas/; Latin: Aeneas, bigkas /ay·ne·yas/) ay isang bayani ng Troia, anak ni Prinsipe Anchises at ng diyosang si Afroditi. Pinsan din siya ni Haring Priamos ng Troia. Nakatala ang paglalakbay ni Aineias mula Troia, na nauwi sa pagkatatag ng lungsod na magiging Roma balang araw, sa Aeneis ni Vergilius. Itinuturing siyang isang mahalagang tauhan sa alamat at kasaysayang Griyego at Romano. Isa rin siyang tauhan sa Iliada ni Homer at sa Troilus at Cressida ni Shakespeare. Sinasabi ring inapo niya ang emperador na si Augustus.[1]

Sanggunian

  1. "Aeneid". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.